Hindi panghihimasukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsala sa mga kumakandidato para sa party-list group.
Ito ang sinabi ng Malacañang makaraang magpahayag ng pagkadismaya ang pangulo sa party-list system sa bansa na tinawag niyang “evil”.
Nasasamantala na kasi aniya ng mayayaman ang pagkandidato sa mga party-list group na dapat kinakatawan ng mahihirap na sektor.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi layon ng punong ehekutibo na pasaringan ang COMELEC pero bahala na ang poll body kung tutugunan ang sentimiyemento ng pangulo.
Nasa kamay aniya ng komisyon kung sisiliping mabuti ang mga indibidwal na gustong maging bahagi ng Kongreso sa pamamagitan ng party-list group.
Facebook Comments