Paglilitis kina dating Senador Jinggoy Estrada At Janet Lim, Napoles, tuloy na tuloy na sa sandiganbayan

Tuloy na ang paglilitis sa kasong plunder laban kina dating Senador Jinggoy Estrada at pork barrel scam queen Janet Napoles kaugnay ng pork barrel scam.

Ito’y matapos ibasura ng Sandiganbayan 5th Division ang inihaing demurrer to evidence ng dalawa.

Kumbisido ang anti-graft court na sapat ang testimonial at documentary evidence na nai-prisinta ng prosekusyon para ma-establish ang kasong plunder laban sa mga akusado.


Kabilang sa mga ebidensya ay kasunduan nina Napoles at Estrada na idaan ang PDAF allocation nito sa NGOs na Magsasaka Foundation Inc (MAMPI) at Social Development Program for Farmers Foundations Inc. (SDPFFI), na may komisyong aabot sa 40 hanggang 60 kapalit ng kickbacks at komisyong paghahatian nila.

Ayon pa sa korte, sasapat ang mga ebidensyang ito para suportahan ang conviction sa krimen kung hindi sasagutin ng contrary evidence.

Si Estrada ay pansamantalang nakalaya matapos maglagak ng pyansa habang nakakulong naman sa Correctional Institution for Women si Napoles matapos mahatulang guilty sa PDAF scam kung saan kapwa akusado nito si Senator-elect Bong Revilla.

Facebook Comments