Pangulong Duterte, hindi takot kay Carpio

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya takot kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio matapos siyang umatras sa kanyang hamong debate patungkol sa mga isyu sa West Philippines Sea.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, nakalimutan ng Pangulong Duterte na hindi presidente si Carpio.

Aminado si Pangulong Duterte na may mga nasasabi siya na nakakaapekto sa katayuan ng Pilipinas sa West Philippines Sea.


Dagdag pa ng Pangulo na wala sanang magiging problema ang Pilipinas kung hindi lang pinaalis ang mga barko ng Pilipinas sa Panatag shoal standoff noong 2012.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na nawala sa pag-aangkin ng Pilipinas ang Panatag Shoal nang umalis ang mga Philippine ships doon noong 2012.

Bago man magkaroon ng debate patungkol sa arbitral award, iginiit ni Locsin na dapat munang resolbahin kung sino nag-utos na paalisin ang mga barko ng Pilipinas doon.

Bago ito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posible pa ring mangyari ang debate nina Pangulong Duterte at Justice Carpio pero ito ay mangyayari sa June 2022.

Facebook Comments