Sen. De Lima, Handang Magresign At Magpabaril Kapag Napatunayan Sangkot Siya Sa Droga

2

MANILA – Nakahandang magresign at mapabaril sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila De Lima kung mapapatunayan ang pagkakasangkot niya sa transaksyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons.Sa kanyang pagharap sa forum ng St. Scholastica’s College sa Maynila, sinabi ni De Lima, na handa niyang ipaglaban ang kanyang dignidad at hindi natatakot na bumaba sa pwesto bilang senador.Ayon kay De Lima, hindi niya matanggap ang mga kasinungalingan na pinagsasabi ng dating aide na si Jonel Sanchez, na tinulungan niya sa oras ng pangangailangan.Malinaw anya na ginagamit lang siya ng administrasyon para pagtakpan ang tumitinding traffic, pagbaksak ng halaga ng piso kontra dolyar at iba pang ipinangako ng pangulo na hindi maisakatuparan.Samantala… Sa isang interview, hindi naman inamin o itinanggi ng senadora kung mayroon silang relasyon ni Ronnie Dayan, na dati niyang driver.

Facebook Comments