Pangulong Duterte, hindi umaabuso sa kanyang karapatan sa pagsasalita o pamamahayag

Photo Courtesy: PCOO

Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi umaabuso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kalayaan sa pamamahayag o freedom of speech.

 

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pahayag ng ilang grupo na sumosobra na si Pangulong Duterte sa pagbatikos sa mga taga simbahang katoloko.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naglalabas lamang ng saloobin si Pangulong Duterte kaya hindi maaaring inaabuso nito ang kanyang kalayaan.


 

Paliwanag pa ni Panelo, mismong si Pangulong Duterte ang nabiktima noong siya ay bata pa kaya ganito ang kanyang inihahayag sa publiko.

 

Iginiit din naman ni Panelo na walang kinalaman si Pangulong Duterte o ang Malacañang sa mga natatanggap na banta sa buhay ng mga Pari at sinabing posibleng ginagamit lang ng mga kritiko at mga kalaban sa pulitika ang issue para siraan si Pangulong Duterte.

Facebook Comments