Cleveland Cavaliers, tinambakan ang Toronto Raptors, 126 – 101

Tinambakan ng Cleveland Cavaliers ang Toronto Raptors sa iskor na 126 – 101.

 

Sa first at second quarter, halos dikit ang laban ng dalawa.

 

Pero pagsapit ng second half. Unti-unting nag-init ang cavaliers at naungusan ang raptors hanggang sa pagtatapos ng laro.


 

Humataw ng 28 points si Cavaliers guard Collin Sexton habang nasayang ang 25 points ni forward Kawhi Leonard para sa raptors.

 

 

Susunod na makakalaban ng Cavaliers ang Philadelphia 76ers bukas habang sa biyernes naman ang bakbakang Raptors at Los Angeles Lakers.

Facebook Comments