Pangulong Duterte, hiniling ang mabilis na paggaling ni PhilHealth Chief Ricardo Morales

111

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilisang paggaling ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Ricardo Morales.


Nabatid na naghain ng medical leave si Morales sa harap ng nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng katiwalian at iba pang anomalya sa PhilHealth.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa ang Pangulo na gagaling sa lalong madaling panahon si Morales.

Wala ring binanggit ang Pangulo kung may bagong itatalagang pinuno sa ahensya.

Pagtitiyak ni Roque na mayroong sistemang nakalatag sa alinmang ahensya o organisasyon para magpatuloy pa rin ang trabaho at operasyon.

Nais aniya ng Pangulo na hintayin ang resulta at rekomendasyon ng task force na nag-iimbestiga sa PhilHealth.

Facebook Comments