Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na administrasyon na pag-aralan ang posibilidad ng paggamit ng nuclear energy sa bansa.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa Talk to the People kagabi, sinabi ng pangulo na makabubuti para sa gobyerno na lumipat na sa paggamit ng nuclear energy upang makatipid tayo.
Tinukoy rin ng pangulo ang ipinatayo noon na Bataan Nuclear Power Plant sa ilalim ng panunungkulan ni dating Presidente Ferdinand Marcos Sr.
Kasunod nito, aminado naman ang pangulo na hindi masosolusyonan ang mataas na presyo ng petrolyo hangga’t hindi tumitigil ang digmaan ng dalawang bansa.
Facebook Comments