Pangulong Duterte, hinimok si Russian President Vladimir Putin na pagsabihan ang mga sundalo laban sa pag-abuso

672

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin na pagsabihan ang kaniyang mga sundalo laban sa mga pang-aabuso.

Sa Talk to the People Kagabi, sinabi ng pangulo na maraming sibilyan na ang nadadamay kabilang na ang mga bata.

Ayon sa pangulo, may moral obligation ang Russia na tiyakin na hindi nadadamay ang mga inosenteng indibidwal sa nagpapatuloy na digmaan.


Kasunod nito, iginiit ng pangulo na dapat bigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong mamamayan ng Ukraine na makalikas nang ligtas.

Muli ring nanindigan ang Pangulong Duterte na hindi siya katulad ni Putin na pumapatay ng mga inosente at sa halip ay ang mga kriminal lamang na sumisira sa bansa.

Facebook Comments