Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gumaling mula sa COVID-19 na mag-donate ng dugo.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagdo-donate ng dugo ay isang paraan ng pasasalamat sa Diyos na nakaligtas sila sa COVID-19.
Aniya, bakuna ang solusyon sa virus.
Pero dahil wala pang bakuna para sa COVID-19, hinimok ng Pangulo ang publiko na tulungan
Matatandaang umapela ng donasyong dugo ang Philippine General Hospital sa mga COVID-19 survivor.
Ayon sa PGH, plasma ang dugo ng mga survivor na nagtataglay ng antibodies.
Ang antibodies na ito ay makakatulong sa iba pang mga pasyente na malabanan ang virus at mapalakas ang kanilang immune system.
Ginamit din sa Wuhan City, China ang ganitong uri ng paggamot sa mga may COVID-19.
Facebook Comments