Pangulong duterte, hinimok ang mga Pilipino na suportahan ang Marcos administration

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na tanggapin na ang resulta ng nakalipas na 2022 elections at suportahan ang administrasyon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na umaasa siyang ibibigay ng publiko ang suporta sa mga bagong mauupong lider ng bansa at hangad niya ang tagumpay ng susunod na administrasyon.

Samantala, una nang sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na sa ngayon ay wala pang pinal na nagiging pulong sina Pangulong Duterte at president-elect Marcos kaugnay sa magiging transition.


Bababa sa pwesto si Pangulong Duterte sa tanghali ng June 30 at pormal namang mauupo si Marcos bilang ika-17 na presidente ng Pilipinas.

Facebook Comments