Pangulong Duterte, hinimok ang NPA na isuko ang kanilang mga armas

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang new people’s army (NPA) na isuko na ang kanilang mga armas at sa halip ay makipagtulungan sa land reform program ng gobyerno.

 

Sa kanyang talumpati sa distribusyon ng certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa Negros Occidental kagabi. Sinabi ng Pangulo na hindi matatapos ang deka-dekada nang giyera sa pagitan ng pamahalaan at mga komunista kung hindi sila mabibigyan ng lupa.

 

Sabi pa ng pangulo, sakaling magsagawa ng pag-atake ang China sa bansa, tiyak na ang npa ang unang-unang tatamaan nito.


 

kaya kahit kailan aniya ay hindi mananalo ang npa at magpapatuloy lang ang mga ito sa pagpatay ng mga inosente.

 

kasabay nito, binigyang-diin ni Pangulong Duterte ang utos niyang “shoot to kill” para sa mga armadong rebelde.

 

kaya para maiwasan, nanawagan ang pangulo sa mga npa members na isuko na ang kanilang mga armas at pag-usapan na lang kung paanong maipapamahagi sa kanila ang iba pang lupa ng gobyerno.

 

una rito, nangako ang Pangulo na paiigtingin niya ang pamamahagi ng lupa sa loob ng natitirang tatlong taon ng kanyang termino.

Facebook Comments