Pangulong Duterte, hinimok na kunin ang suporta ng iba pang mga bansa laban sa claim ng China sa West Philippine Sea

Dapat sikapin ni Pangulong Rodrigo Duterte na makuha ang suporta ng iba pang mga bansa laban sa claims ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario, ito ang sunod na dapat gawin ng Pangulo at ng kaniyang administrasyon matapos niyang igiit sa 75th United Nations General Assembly (UNGA) ang 2016 arbitral victory ng Pilipinas laban sa China.

Aniya, kapag nakakuha ng suporta mula sa ibang mga bansa, mas matapang na maigigiit ng Pilipinas ang arbitral award sa United Nations General Assembly sa 2021.


Dagdag pa ni Del Rosario, hindi dapat hayaang masayang lang ang oportunidad na ito.

Una nang ni-reject ng US, UK, Germany, France at Australia ang “historic claims” ng China sa halos 90 porsiyento ng South China Sea na ginagamit para sa international trade.

Facebook Comments