Pangulong Duterte, humingi ng hanggang June 28 para makapamili ng susunod House speaker ayon kay Senator elect Bong Go

281

Inihayag ni Senator elect Bong Go na humingi ng sapat na panahon si Pangulong Rodrigo Duterte na makapili ng susunod na House Speaker.

 

Sa panayam ng Media matapos bisitahin ang mga nasunugan sa Ilugan, barangay Pinagbuhatan Pasig, sinabi ni Go na ito ang posisyon ng punong ehekutibo kasunod ng isang meeting ng mga congressman kagabi kasama si Congressman Pulong Duterte.


 

Ayon kay Go, medyo nahihirapan ang pangulo dahil parehong may kakayahan at kuwalipikado ang mga matutnog na maging  susunod na lider ng Kamara.

 

Kasunod naman ito ng kahilingan ng mga miyembro ng mababang kapulungan na mismong ideklara ni Duterte kung sino ang kaniyang napipisil upang matapos na ang nangyayaring gapangan sa puwesto ng speakership.

 

Ani Go, posibleng sa June 28 ay makapagpalabas na ng desisyon ang pangulo.

 

Tiniyak aniya ng pangulo na manggagaling sa lahat ng partido pulitikal ang susunod na speaker.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers