VIRAL: Magkasintahang nagkakilala sa Mobile Legends, ikakasal na!

5961
Courtesy Facebook/Lou Dela Serna

Pinatunayan ng magkasintahang Renz Reyes at Lou Dela Serna na hindi lang excitement ang maaring idulot ng Mobile Legends, maging tunay na pag-ibig.

Ikinuwento ni Dela Serna sa kanyang Facebook kung paano nagsimula ang kanilang wagas na pag-ibig.


“Una pa lang alam ko naman na na ikaw yung ‘THE ONE’ for me. Nagkakaintindihan tayo sa lahat ng bagay and as we go along… don ko narealize na hindi rin parati masaya.”

Dagdag pa nito, matagal niyang pinagdasal na magkaroon ng “The One.”

“It made me realize that what I have right now is much better than what I have before. Love, thank you kasi ikaw na ikaw yung taong hinihiling ko kay God. I’ve been waiting patiently.”

Pupunta dapat ng Singapore sina Renz at Lou para sa FSL Mobile Legends Tournament na ginanap noong Hunyo 6 hanggang 11. Ngunit hindi nakasama ang binata dahil bigla itong inischedule para sa isa pang tournament na mangyayari sa Araneta Coliseum ng Hunyo 19.

Inamin ng dalagang nasaktan siya sa pangyayari.

“Di lang masakit sa puso. Masakit din sa bulsa kasi nakapagbook na din kami ng accommodations namin. Pero ganon talaga nangyayari yon. Lalaban pa rin tayo.”

Paguwi ni Lou galing Singapore, isang sorpresa ang bumungad sa kanya na mismong kaarawan niya.

“Paguwi ko ng unit. Biglang may happy birthday na kanta. With cakes and video preparations ni Pein. Tapos may nakalagay sa video ng “To be continued…” (Hindi pa rin ako aware) Akala ko kasi may lalabas pa sa screen pero hinihila na nila ko sa kwarto.

Hindi agad napansin ni Lou ang tanong ni Renz dahil sa sobrang pagod. Matapos yakapin ng nobyo, tuluyan niyang nabasa ang tanong na magpapabago ng kanyang buhay.

“Don ko lang nabasa ung “Will you marry me” niya kasi ineexpect ko Happy Birthday nakalagay don kasi nga birthday ko. Ayon nga bangag na tlg ako. Hahaha. Tapos ayon naaaaa. Engaged na ko! ❤️

Umabot na sa 16,000 likes and shares ang storya ng Mobile Legends Champion.

Facebook Comments

From Advertisers