Hinihingi ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opinyon ng publiko dahil hindi siya tiyak kung babawiin o ire-renew ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos niyang manawagan sa Estados Unidos na magbayad kung nais nilang panatilihin ang VFA sa Pilipinas.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na magbigay ng kanilang pananaw hinggil sa isyu ng VFA sa pamamagitan ng pagtawag sa Citizen’s’ Complaint Center o 8888 hotline.
Ipinaalala rin ni Pangulong Duterte sa US na ang VFA ay isang ‘shared responsibility.’
Una nang itinanggi ng Malacañang na extortion ang ginagawa ng Pangulo sa US para maipagpatuloy ang VFA.
Ang VFA ay nilagdaan noong 1998 ay niratipikahan ng sumunod na taon na nagpapahintulot sa joint military exercises sa pagitan ng Pilipino at Amerikanong sundalo.