May pinal nang desisyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) hinggil sa ipatutupad na pagbabawas ng espasyo ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ay makaraan ang kanilang pulong kagabi kasama ang mga miyembro ng IATF.
Sinabi ni Roque na posibleng si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mag-anunsyo ng bagong patakaran hinggil sa pagtataas ang ridership sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas ng physical distance sa mga commuter.
Nabatid na mula sa isang metro, ay naging 0.75 meters o dalawang talampakan at limang pulgada na lamang ang distansya ng bawat pasahero sa mga tren simula noong Lunes, September 14, 2020 sa LRT line 1, LRT line 2, MRT line 3, at PNR.
Ang nasabing panuntunan ay matatandaang inulan ng batikos ng mga health professional dahil mas magiging mabilis ang transmission ng COVID-19 kapag pinaglapit-lapit ang mga pasahero.