Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan ng padrino o sponsor para makakuha ng trabaho sa pamahalaan.
Nagpaalala ang Pangulo sa job applicants na iwasang kumuha ng padrino para sila ay iendorso.
Mas gusto niyang pumili sa eligible applicants mula sa Civil Service Commission (CSC).
Paglilinaw rin ng Pangulo na walang halong pulitika ang pagkakatalaga ng mga kwalipikadong tao sa mga posisyon sa gobyerno.
Sa paghahain naman ng vacancies sa gobyerno, ipinaliwanag ng Pangulo na pwede siyang pumili mula sa mga magagaling at mahuhusay na Pilipinong naghahanap ng trabaho.
Sa ilalim ng Konstitusyon, may kapangyarihan ang Pangulo na magtalaga ng pinuno ng executive department, ambassadors at iba pang public ministers at consuls, opisyal ng military.