Pangulong Duterte, iginiit na kabisado ang kalakalan ng ilegal na droga

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabisado na niya ang kalakalan ng ilegal na droga.

Sa kanyang public address kagabi, sinabi ng Pangulo na alam na niya ang mga ginagamit na lingwahe sa transaksyon.

Kung hindi siya pumasa sa bar ay nag-aral rin siya kung paano mag-negosyo ng droga.


Pero hindi aniya ito natuloy dahil nag-abogado siya.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi niya kasalanan kung ang isang drug user ay binaril ng sundalo o pulis.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi natatakot lalo na kung igigiit sa kanya ang human rights.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng kanyang tirada laban sa mga gumagamit ng ilegal na droga.

Facebook Comments