Pangulong Duterte, iginiit na mahirap makakuha ng COVID-19 vaccine

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan ang pamahalaan na makakuha ng karagdagang supply ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa Pangulo, kapos na ang supply ng bakuna dahil ang malakung bulto nito ay nakuha na ng mga mayayamang bansa.

Dahil sa limitado ang supply ng bakuna, ipinunto ni Pangulong Duterte na walang pinagkaiba ang Pilipinas sa ibang mga bansang nahihirapan din sa vaccine procurement.


Gayumpaman, ipinagmamalaki ng Pangulo na nakakuha pa rin kahit papano ang bansa ng initial vaccine supply dahil sa efforts ng team ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Facebook Comments