Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pagkakaiba ang ipatutupad niyang martial law sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa video message sa Facebook na inilabas ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson – tahasang sinabi ng pangulo na magiging ‘harsh’ o malupit siya sa mga terorista kasunod ng naganap na pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
Ayon sa pangulo – kinailangan niyang magdeklara ng martial law sa Mindanao para maprotektahan at mapangalagaan ang republika ng Pilipinas.
Kasabay nito, pinawi ng pangulo ang pangamba ng publiko at tiniyak na aayusin ang problema kapag nakabalik na siya ng bansa.
Alas tres ng madaling araw, oras sa Moscow nang lumipad pabalik ng Pilipinas ang pangulo at inaasahang darating ito pasado 4:00 ng hapon mamaya.
DZXL558