United Kingdom, nagpakalat na ng military personnel matapos ang terror attack

164

World – Nagpakalat na ng mga military personnel ang United Kingdom sa iba’t-ibang mga vital installations sa lugar.

Ito ay matapos na itaas sa ‘critical’ level ang banta sa kanilang bansa matapos ang suicide bombing sa Manchester stadium kasabay ng concert ni Ariana Grande.


Ayon kay UK Prime Minister Theresa May, nagsagawa na ang mga otoridad ng iba’t-ibang raid sa hinihinalang pinagkukutaan ng teroristang grupo na nasa likod ng pag-atake.

Kinondena ng mga iba’t-ibang mga lider sa buong mundo ang nasabing pag-aatake na kagagawan ng mga ISIS.

DZXL558

Facebook Comments