Pangulong Duterte, ikinabahala ang pagkukumpulan ng mga tao sa mga campaign rallies

Nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdidikit- dikit ng mga tao na makikita sa mga political rallies at mga aktibidad na may kinalaman sa Semana Santa at Ramadan.

Sa Talk to the People, sinabi ng Punong Ehelutibo na ang nakikitang pagkukumpol-kumpulan ng mga tao ang syang pinangangambahang ng mga eksperto na maging ugat ng panibagong COVID-19 surge na posibleng mangyari pagkatapos ng halalan.

Ayon sa Pangulo, sakali mang magkaroon muli ng COVID-19 surge ay sayang ang lahat ng efforts at ang bilyong perang ginugol ng pamahalaan para sa COVID-19 response.


Giit pa ni Pangulong Duterte, hindi pa tapos ang pandemya kung kaya’t mahalaga pa ring sumunod sa health and safety protocols kasabay nang pagpapabakuna.

Kasunod nito, hinihikayat ng Pangulo ang publiko na magpaturok na ng booster shot lalo na sa BARMM na mababa pa rin ang vaccination coverage.

Samantala, nanindigan din ni si Pangulong Duterte na hanggang sa huling araw ng kanyang termino ay mananatiling protocol ang pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments