Demolition job laban sa pamilya ni VP Robredo,kinondena nina Trillanes at Diokno

Kapwa binatikos nina senatorial candidates Antonio Trillanes at Chel Diokno ang demolition job laban kay Vice President Leni Robredo at sa pamilya nito.

Ginawa ng dalawa ang pahayag kasunod ng paglutang ng screenshots ng Google search sa Twitter na nagpapakita ng umano’y video ni Aika Robredo sa ilang porn sites.

Sinabi ni Trillanes na nagsimula na ang paninira sa pamilya ni VP Leni dahil lumalakas na ang kanyang kandidatura.


Para naman kay Diokno, na isang human rights lawyer, ito ay bagong script ng kalaban dahil desperado na sa pag-angat ng bise presidente sa surveys.

Nanawagan siya sa Google na alisin agad ang links ng mga paninira at huwag nang hayaan pa ang mga kahalintulad na link sa hinaharap.

Naniniwala ang dalawa na dapat ipagtanggol si Robredo at kanyang mga anak sa mga ganitong uri ng paninira.

Facebook Comments