Manila, Philippines – Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan na rin ang mga kapitan ng barangay.
Sa kaniyang talumpati sa oath-taking ng halos tatlong libong punong barangay sa Region 3, sinabi ng Pangulo na ito ay sa gitna na rin ng dumaraming bilang ng nasasawing barangay official sa gitna ng pagtupad nila ng kanilang tungkulin na isawata ang mga nagpapalaganap ng ilegal na droga.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na ikokonsulta muna niya ito sa PNP, AFP at intelligence community.
Nangako rin ang Pangulo na ipagtantanggol ang mga barangay official na kwekwestyunin dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Pero nagbabala ang Pangulo na hindi nagtatrabaho ng maayos na may kalalagyan ang mga ito ay tiyak na may kalalagyan ng problema.
Facebook Comments