Pangulong Duterte, inatasan ang mga telco na pabilisin pa ang internet

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na umayos ang mga telecommunication companies para matiyak na mabilis ang internet connection ng Pilipinas kagaya ng mga kapitbahay na bansa sa Asya.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos niyang i-endorso ang rekomendasyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na paghusayin ang telco services.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang matutukan ang mga telco para masigurong ang masuhay na serbisyo.


Una nang sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na bumilis ang internet speed sa bansa noong nakaraang taon pero nananatiling kulelat ito sa ibang bansa sa Asya.

Batay sa global speediest index, ang Pilipinas ay rank 110 mula sa 139 na bansa dahil sa average mobile internet speed nito na 18.49 megabits per second (Mbps) mula noong Nobyembre 2020.

Pang-103 ang Pilipnas mula sa 176 na bansa na may average na broadband speed na 28.69 Mbps.

Facebook Comments