Pangulong Duterte, mas gustong iturok ang COVID-19 vaccine sa puwit

106

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na iturok ang COVID-19 vaccine sa kanyang buttock area o puwitan.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ng Pangulo na isapubliko ang kanyang pagpapabakuna.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pwedeng ilabas sa publiko ang pagpapaturok ng Pangulo ng COVID-19 vaccine sa kanyang puwit.

Sinabi rin ni Roque na si Pangulong Duterte ang pinaka-epektibong communicator ng gobyerno.

Patunay aniya rito ang paghihikayat ng Pangulo sa publiko na sundin ang health protocols.

Una nang sinabi ng Palasyo na handa si Pangulong Duterte na maturukan ng COVID-19 vaccine para maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa vaccination campaign ng gobyerno.




Facebook Comments