Pangulong Duterte, inatasan ang TESDA na bigyan ng training program ang mga OFW

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) na isailalim sa special training programs ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Nabatid na inilunsad ng TESDA ang online mode ng livelihood at skills training.

Sa ika-limang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong 71 libreng online training ang alok ng TESDA.


Makakatulong aniya ito para makahanap ang mga OFW ng bagong oportunidad.

Facebook Comments