Saturday, November 28, 2026

Larawan ng traffic enforcer na umano’y nangikil sa isang MC Taxi rider, AI-generated ayon sa Quezon City government

Pinabulaanan ng Quezon City Government ang larawan sa isang Facebook post ng traffic enforcer, na nakasuot ng badge ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), na umano’y nangingikil sa isang umiiyak na motorcycle taxi rider.

Depensa ng lokal na pamahalaan, AI-generated ang larawan o gawa-gawa lang, at magkaiba rin umano ang logo ng badge na nasa larawan, kung ikukumpara sa opisyal na logo ng TTMD.

Paalala ng lokal na pamahalaan, huwag agad maniwala at magbahagi ng mga hindi berepikadong Facebook post, at suriin ang pinagmulan at katotohanan ng impormasyon.

Facebook Comments