Pangulong Duterte, ipinag-utos ang mahigpit na kontrol sa pagbebenta at paggamit ng pampasabog sa mga minahan

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigpit na pagkontrol sa pagbebenta at paggamit ng pampasabog sa mining operations para maiwasang mapasakamay ito ng mga rebeldeng komunista.

Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” ang pagbebenta at paggamit ng mining explosives ay dapat mayroong clearance mula sa mga pulis maging sa mga militar na nakatalaga sa lugar.

Naniniwala kasi ang Pangulo na ginagamit ng mga rebeldeng komunista ang mga pampasabog para atakehin ang mga tropa ng pamahalaan.


Nais ding malaman ni Pangulong Duterte kung gaano karaming pampasabog ang ibinebenta ng mga mining companies lalo na at maraming sundalo at pulis ang namatay dahil dito.

Kinuwestyon din ng Pangulo ang tila pag-justify ng mga rebeldeng komunista sa paggamit ng mga pampasabog.

Noong 2018, inatasan ni Pangulong Duterte ang environment authorities na bawiin ang lisensya ng mga mining firms na nagsu-supply ng pampasabog sa communist rebel group.

Facebook Comments