President-elect Joe Biden, naturukan na ng COVID-19 vaccine

Natanggap na ni US President-elect Joe Biden ang kanyang unang doses ng Pfizer at BioNTech COVID-19 vaccine.

Isinagawa ang pagbabakuna kay Biden at sa incoming First Lady Jill Biden sa Christiana Care Hospital sa Newark, Delaware.

Nagpasalamat naman si Biden sa mga scientist at health workers na nagtulong-tulong upang ma-develop ang nasabing bakuna.


Samantala, inihayag din nito na nararapat ding bigyan ng ‘credit’ si US President Donald Trump sa pagtulong nitong mapabilis ang proseso ng pagkuha ng bakuna para sa kanilang residente.

Facebook Comments