Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga gamot na malapit nang mapaso.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ni Pangulong Duterte na magamit ng mga tao ang mga nakatenggang gamot para hindi ito masayang.
“Ang mandato po ng Presidente sa DOH lalung-lalo iyong mag-i-expire na, paki-distribute na po nang hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse nang magamit ng ating kababayan,” ani Roque.
Lumabas sa 2019 audit report ng COA, ang DOH ay mayroong ₱2.2 billion na halaga ng expired, overstocked at malapit nang ma-expire na gamot, gayundin ang medical at dental supplies.
Nagkakahalaga ng ₱1.024 billion ang halaga ng malapit nang ma-expire na gamot.