Pangulong Duterte, ipinagtanggol ng minorya sa kontra SONA

Sa halip na kontra SONA, ay dinipensahan ni House Minority Leader Benny Abante si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga bumabatikos kaugnay sa hindi malinaw na COVID-19 recovery plan ng pamahalaan.

Ayon kay Abante, mahigit 10 beses na binanggit ni Pangulong Duterte ang COVID-19 crisis sa State of the Nation Address (SONA) nito noong Lunes.

Malinaw rito na nasa isip ng Pangulo at ng mga alter-ego nito sa kaniyang gabinete ang krisis na pinagdaraanan ngayon ng bansa.


Gayunman, aminado si Abante na marami pang kailangan gawin ang pamahalaan hinggil sa paglaban kontra COVID-19.

Samantala, pinuna naman ni Abante ang Balik Probinsya Program ng pamahalaan dahil sa dumaraming bilang ng mga Locally Stranded Individuals (LSI) partikular sa may Rizal Stadium.

Aniya, maganda naman ang hangarin ng programa ngunit hindi nasusunod ang physical distancing na siyang pinangangambahang magdulot ng mabilis na transmission ng COVID-19.

Facebook Comments