Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na tiyaking tuluy-tuloy ang access sa medical supplies at teknolohiya para sa lahat.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ang COVID-19 vaccines.
Sa kanyang talumpati sa APEC online forum, sinabi ni Duterte na kailangang masugpo ang virus dahil walang sinuman ang ligtas sa pandaigdigang pandemya.
Para makamit ito, iginiit ng Pangulo na kailangang pagtibayin ang partnership para gawing global public good ang bakuna.
Binigyang diin din niya na ang impormasyon ay susi sa epektibong pagtugon at paglaban sa pandemya.
Ikinalugod-din ni Pangulong Duterte ang hakbang ng Malaysia na magtatag ng COVID live online portal.
Nais din niyang magkaroon ng libre, bukas, at patas na kalakalan sa bawat APEC members para makabangon ang ekonomiya at malaki ang papel ng APEC para rito.