Development sa COVID-19 vaccine, welcome sa Kamara

47

Welcome para kay House Committee on People’s Participation Chairman at San Jose del Monte City Rep. Rida Robes ang pinakahuling development sa COVID-19 vaccine.

Ito’y kasunod ng ulat ng Department of Health (DOH) sa pulong ng komite sa Kamara na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng P2.5 billion para mabakunahan ang 22 milyong Pilipino sakaling maging available na ang COVID-19 vaccine.


Ayon kay Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal ng DOH Bureau of International Health Cooperation, ang alokasyon sa ilalim ng panukalang 2021 General Appropriations Act ay gagamitin sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility.

Ipinaliwanag ni Sudiacal na ang COVAX facility ay global sharing mechanism para sa sabayang pagbili at pantay na distribusyon ng COVID-19 vaccine.

Sinabi rin ng opisyal na natukoy na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang 12 priority vulnerable groups na mababakunahan base sa guidelines ng World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE).

Pinuri naman ni Robes ang efforts ni Pangulong Duterte at ng IATF para matiyak na hindi mapag-iiwanan ang Pilipinas sa oras na magkaroon na ng COVID-19 vaccine.




Facebook Comments