Iniluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Romando Artes bilang bagong pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) epektibo noong March 1, 2022.
Si Artes ang pumalit kay former MMDA Chair Benhur Abalos Jr., na nag-resign nitong February 7.
Nabatid na si Artes ay isang Certified Public Accountant na unang naitalaga bilang Assistant General Manager for Finance and Administration sa MMDA noong May 2017 at kalaunan ay naging MMDA General Manager nitong November 2021.
Samantala, itinalaga naman si MMDA Undersecretary Frisco San Juan Jr. bilang bagong General Manager ng MMDA.
Inaasahan ng Palasyo na magtutulungan ang 2 bagong opisyal ng MMDA at iba pa nilang kawani upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.
Facebook Comments