NAIA 4, bubuksan na ang flight operations

80

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na epektibo sa March 28 ay bubuksan na sa flight operations ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa Metro Manila at mga karatig na lugar sa Alert Level 1.

Bunga nito, ililipat na lamang sa ibang vaccination sites ang mga nakatakdang tumanggap ng 1st dose, 2nd dose at booster shots sa NAIA 4.


Magugunitang ginamit na vaccination site ang NAIA 4 para sa mga empleyado ng airport at sa kanilang dependents.

Sa kabila nito, tuloy naman ngayong araw ang ginagawang pagbabakuna sa NAIA 4.

Facebook Comments