Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging mabagal ang pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad.
Ito ang tugon ng Pangulo sa mga kritisismo na hindi naging maagap ang gobyerno sa pagresponde lalo na sa mga biktima ng mga bagyo, lalo na sa pagbaha sa Cagayan Valley.
Aniya, ang mga kritisismo laban sa gobyerno ay pawang ‘political punchline’ lamang.
Giit niya, lahat ay nakalatag at nakahanda na bago pa man tumama ang bagyo partikular ang mga ayuda, kagamitang pangresponde.
Mayroong pera ang mga ahensya ng pamahalaan at Local Government Units (LGU) pero hindi nila basta-basta maaaring gamitin ito kung walang maayos na assessment.
Facebook Comments