Pangulong Duterte, itinangging si dating Senador Bongbong Marcos ang papalit sa pwesto ng nasibak na Si Interior Secretary Mike Sueno – pagkakasibak sa opisyal, kinumpirmang dahil sa katiwalian

Manila, Philippines – Kinumpirma mismo ni PangulongRodrigo Duterte na may kinalaman sa katiwalian ang pagsibak kay DILG Sec. IsmaelSueno.
 
Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Duterte nanag-ugat ito sa sinasabing maanomalyang pagbili ng mga fire truck para sa dilg.
 
Kasabay nito, itinanggi rin ni Pangulong Duterte nanakalaan na ang nabakanteng posisyon para kay dating Sen. Bongbong Marcos.
Pero una rito, iginiit ni Sueno sa kanyang inilabas nastatement na posibleng nabigyan ng maling impormasyon ang pangulo mula sa mganag-aambisyon sa kanyang puwesto.
 
Gayunman aniya, iginagalang niya ang naging desisyon ngpangulo pero nilinaw nitong hindi siya corrupt official.
 

Facebook Comments