Traysikad driver patay matapos pinagbabaril

70

General Santos City—patuloy ngayon ang ginagawang imbistigasyon nga pulisya sa nangyaring pamamaril sa isang traysikad driver na si Alquin Lopez Bermudes, 48, residenti ng Toledo Subd., Barangay City Heights nitong lunsod.
10:30 ng gabi ng pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima habang ito ay bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan na malapit lang sa kanilang bahay. Nagtamo ng sugat ang biktima sa kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sa inisyal nga pag-imbistiga ng pulisya sa lugar na habang nakatayo ang biktima sa tindahan, biglang dumating ang dalawang suspek na sakay sa isang motoriklo at pinagbabaril ang biktima. Agad naman itong tumakas matapos ng krimen habang ang biktima ay dinala pa sa ospital pero ideniklarang dead on arrival.
Sinabi ni Rowena Bermudes, asawa ng biktima na ilang araw bago ang insidenti ay mayroon nang mga nakamotorsiklo na pabalik balik sa kanilang bahay. Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang motibo ng nasabing krimen.

Facebook Comments