Pangulong Duterte, itinangging siya ang nagtatag ng Davao Death Squad

Manila, Philippines-Itinanggi  ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya  ang  nagtatag  ng  Davao Death Squad o DDS  noong  alkalde  pa  lamang  ng Davao City.

 

Ayon kay Pangulong Duterte,   hindi niya kailangan ang DDS dahil mayroon namang pulisya  na  nangangalaga  sa kaayusan ng  lungsod.

 

Hindi pa  aniya siya  alkalde  ay  mayroon ng DDS noong  panahon ng  martial law na lumalaban sa  mga sparrow  unit  ng  mga rebeldeng komunista.

 

Sinabi ng Pangulo na  alam ng  mga  matatandang  residente  ng  Davao ang buong kuwento  ng  DDS at  maari aniyang tanungin ang isang Jun Ledesma na isang  batikang  journalist dahil naging  bahagi siya  nito.

 

Samantala, itinanggi rin ng Pangulo ang pahayag ni retired SPO3 Arthur  Lascañas.

Facebook Comments