MANILA – Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga “yellow” na hindi matanggap ang pagkatalo sa nakaraang halalan kaya nagpapasimuno ng mga kilos protesta laban sa kanya.Sa kanyang talumpati sa united nations convention against corruption sa Malakanyang – sinabi ng pangulo na magbibitiw nalang siya sa pwesto.Anya – hindi kasi matanggap ng mga natalo niya sa nakaraang halalan ang kanyang pagkapanalo.Bagamat walang tinukoy na pangalan – kilala ang Liberal Party sa paggamit ng kulay dilaw bilang campaign color.Hindi naman naniniwala si Duterte na gusto siyang pababain sa pwesto ng mga “makakaliwa” kahit sumama ang naturang grupo sa protesta laban sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Facebook Comments