Pangulong Duterte, kinondena ang Ayungin Shoal incident

Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa dalawang supply boats ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Inihayag ito ng pangulo sa pagdalo niya sa ASEAN-China Special Summit ngayong araw.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte, iginiit nito na ang Ayungin Shoal incident ay hindi nagpapakita ng magandang relasyon sa pagitan ng ibang mga bansa sa ASEAN.


Katwiran pa niya, nakasaad sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral award na dapat ay may patas at makatarungang solusyon sa territorial disputes.

Dapat ding sundin ang lahat ng legal na paraan para mapanatili ang kapayapaan, katatagan at kaginhawahan sa South China Sea.

Kasunod nito pinayuhan ng pangulo ang China na maging committed sa makabululuhang Code of Conduct sa South China Sea o West Philippine Sea.

Facebook Comments