Pangulong Duterte, kinumpirmang may ilang nakatanggap na ng Sinopharm COVID-19 vaccine sa Pilipinas

Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang indibiduwal nang nabakunahan gamit ang COVID-19 vaccine ng Chinese pharmaceutical company na Sinopharm kahit wala pang go signal mula sa mga regulators.

Ayon sa Pangulo, may ilang sundalo na ang nabakunahan ng Sinopharm vaccine.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ang Pangulo na mayroong negatibong side effects mula sa mga nakatanggap ng Sinopharm vaccine.


Iginiit ng Pangulo na kailangang unahin ang mga sundalo sa mga mababakunahan dahil sila ang tagapatupad ng batas at kaayusan sa bansa.

Pero nilinaw naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na wala pa silang nahuhuling nagsasagawa ng illegal vaccinations.

Matatandaang naiulat na nagkaroon ng hindi awtorisadong pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa Binondo, Maynila.

Facebook Comments