Pangulong Duterte, kinuwestiyon ang paggamit ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ng Diplomatic Passport

Matapos kanselahin ng Department of Foreign Affairs ang Diplomatic Passport ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ay binanatan pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na hindi nakalusot sa Hongkong Immigration si Del Rosario nang ito ay pumunta doon noong nakaraang linggo para sa isang pulong.

Ayon sa Pangulo, hindi na opisyal o empleyado man lang ng pamahalaan si Del Rosario kaya wala itong karapatang gumamit ng Diplomatic Passport.


Matatandaan din na sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, na hindi official mission ang sadya ni Del Rosario sa Hongkong kaya hindi dapat diplomatic passport ang ginamit nito.

Matatandaan na hindi rin nakalusot si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Hongkong pero ang dahilan naman ay ito daw ay isang security threat, sina Morales at Del Rosario ay nagsampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court.

Facebook Comments