Pangulong Dutere, handang i-deploy ang Philippine Airforce para masolusyunan ang problema sa NAIA

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magdadalawang isip na magdeklara ng National Emergency kung hindi maaayos ang problema sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung magpapatuloy ang matinding problema sa delayed at cancelled flights sa NAIA at uutusan niya ang Philippine Airforce na mandohan ang operasyon ng NAIA.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kung hindi magagawan ng solusyon ang problema sa NAIA ay maaaring marami ang madisgrasya.


Nagawa na aniya niya na magdeklara ng National Emergency at handa aniya siyang gawin ito ulit.

Ibinunyag din ni Pangulong Duterte na marami siyang plano at mga nakalatag na radical changes na kinakailangan ngayon pero wala naman itong sinabi kung ano ang mga ito.

Facebook Comments