Lalahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa 76th session ng High Level General Debate ng United Nations General Assembly.
Gaganapin ito ngayong Martes, September 21 kung saan nakatakdang magsalita ang pangulo ganap na alas-4:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.
Mapapanood ito sa Pilipinas sa Miyerkules sa ganap na alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-6 ng umaga.
Ilan sa mga isusulong ni Pangulong Duterte ay ang posisyon ng bansa sa mga pangunahing isyu sa buong mundo kabilang ang; Universal Access sa mga bakuna kontra COVID-19, Climate Change, Isyu sa karapatang-pantao kasama ang sitwasyon ng mga migrant workers at refugees at gayundin ang International at Regional Security Development.
Ang United Nations General Assembly ay dadaluhan ng 192 lider mula sa iba’t ibang bansa.
Papangunahan ang programa ni incoming 76th United Nations General Assembly President Abdulla Shahid ng Maldives.