10,000 doses ng COVID-19 vaccines, nasayang dahil sa paiba-ibang temperatura – DOH

Umabot sa 10,000 COVID-19 vaccines ang nasayang dahil sa paiba-ibang temperatura.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary and National Vaccine Operation Center head Myrna Cabotaje, naitala ang pinakamalaking pagkasayang sa storage facility sa isang major vaccination site sa Filinvest sa Muntinlupa City.

Nabatid na ang temperatura kasi sa lugar ay paiba-iba dulot ng pagkakamali ng lokal na pamahalaan.


Naitala rin ang pagkasayang matapos ang sunog sa South Cotabato at pag-iwan nito sa napatay sa freezer sa North Cotabato.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Cabotaje na maliit lamang ang 10,000 doses kumpara sa 40 million doses ng COVID-19 vaccine na naipamahagi na sa buong bansa.

Facebook Comments