Pangulong Duterte, lalahok sa ASEAN-China Special Summit bukas

Nakatakdang lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN-China Special Summit bukas sa pamamagitan ng video conference.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), tatalakayin ang mga nagawa ng ASEAN-China Dialogue Relations sa nakalipas na tatlong dekada.

Pangungunahan nina Chinese President Xi Jinping at ASEAN Chariman na si Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam ang naturang summit.


Inaasahang pag-uusapan ang posisyon ng bansa sa kooperasyon at ilang isyu sa ASEAN region.

Kasama rin ng pangulo ang ilang mieymbro ng kabinete tulad nina DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. at DTI Secretary Ramon Lopez.

Facebook Comments