Pangulong Duterte ligtas matapos maramdaman ang lindol sa Davao

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay naramdaman ang pagyanig sa bahagi ng Davao City.

Ito ay matapos muling tumama ang Magnitude 6.3 na lindol sa Tulunan North Cotabato kaninang umaga.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo na nasa Davao City ang Pangulo at sa ngayon ay wala naman aniyang dapat ipag-alala ang publiko kahit pa nakitaan ng crack ang tahanan nito sapagkat ligtas naman ang Pangulo at kaniyang pamilya.


Sa katunayan, sinabi ni Panelo na tuloy pa rin ang pag-bisita ni Pangulong Duterte sa puntod ng kaniyang mga magulang ngayong araw.

Giit ni panelo, tulad ng nauna nang direktiba ng Pangulo, pinakikilos na nito ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para sa agarang tulong sa mga naapektuhan ng pagyanig.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na naghihintay ng update ang Pangulo mula sa mga kinauukulan hinggil sa panibagong lindol na naramdaman sa Cotabato area at Davao City.

Facebook Comments